State of calamity sa Pinas rebyuhin – PBBM

State of calamity sa Pinas rebyuhin – PBBM

July 23, 2022 @ 12:15 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na rebyuhin ang state of calamity proclamation dahil sa COVID-19 na matatapos sa Setyembre, ayon sa health official nitong Biyernes.

Sinabi ni health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na makaaapekto ang pagtatapos ng state of calamity sa suplay at paggamit ng COVID-19 vaccines at mga gamot sa coronavirus, adahil magiging invalid umano ang emergency use authorization at compassionate special permits na inisyu ng Food and Drug Administration (FDA).

Pumalo sa 3,389 ang bagong kaso ng COVID-19 nitong Biyernes.

Nauna nang tinanong ng FDA sa vaccine manufacturers kung handa na silang irehistro ang kanilang mga produkto para sa commercial use upang masiguro na sapat ang suplay nito sakaling alisin na ang status.

Kinakailangan nilang kumuha ng sertipikasyon ng product registration, kung saan kinakailangan nilang matapos ang phase 4 ng kanilang clinical trials.

Idineklara ni dating Pangulpong Rodrigo Duterte ang state of calamity dahil sa pandemya noong Marso 2020. Dalawang beses itong pinalawig hanggang Setyembre 12. RNT/SA