State of health emergency ikinasa sa NegOc sa amoebiasis

State of health emergency ikinasa sa NegOc sa amoebiasis

February 28, 2023 @ 11:10 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Isinailalim sa state of health emergency ang lungsod ng San Carlos sa Negros Occidental dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng amoebiasis kung saan mahigit 230 katao ang isinugod sa mga ospital matapos makaranas ng mga sintomas tulad ng pagtatae, pagsusuka at lagnat.

Dahil dito, nilagdaan ni San Carlos Mayor Renato Gustilo ang isang executive order na naglalagay sa bayan sa ilalim ng state of health emergency.

Ayon kay Dr. Arniel Portuguez, officer-in-charge ng San Carlos City Health Office, karamihan sa mga pasyente sa una ay inakala na sila ay dumaranas ng ordinaryong pagtatae.

Bilang pag-iingat sa kaligtasan, hinimok ang mga residente na tiyaking malinis ang kanilang inuming tubig at pagkain. Sinabihan din silang panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran at obserbahan ang tamang personal na kalinisan.

Ang mga nakakaranas ng mga sintomas, samantala, ay hinimok na mag-hydrate.

Ang mga taong nakakaranas ng higit sa dalawang araw na sintomas ay pinapayuhan na humingi ng tulong medikal. RNT