State U sa Rizal province pinatatatag ng solon

State U sa Rizal province pinatatatag ng solon

August 5, 2022 @ 8:06 AM 3 days ago


MANILA, Philippines – Isang panukalang batas ang inihain sa House of Representatives para sa pagtatatag ng isang state university sa lalawigan ng Rizal.

Sa House Bill 2590 na inihan ni Rizal Rep Fidel Nograles isinusulong nito na ang Colegio de Montalban at University of Rizal System-Montalban Campus na kapwa public institutions ay gawing University of Montalban.

Ipinaliwanag ng solon na ang pagkakaroon ng state university sa Montalban ay para tugunan ang malaking pangangailangan sa edukasyon ng lalawigan na isa sa may pinakamalaking populasyon sa bansa na nasa 443,954 residente.

“As a 1st class municipality that continues to develop, Montalban has evolving needs. As we welcome more businesses we also need the more specialized training that universities provide for the youth so that they could fulfill the unique employment requirements demanded by various industries,” ani Nograles kung saan ang itatatag na unibersidad ay hindi lamang para sa mga residente ng Montalban kundi maging karatig lalawigan. Gail Mendoza