State visit ni PBBM sa US, target sa 2023

State visit ni PBBM sa US, target sa 2023

October 26, 2022 @ 6:07 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Embassy sa Estados Unidos na maghahanda ulit sila para sa posibleng state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nasabing bansa sa susunod na taon.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, ang pagbisita ni Marcos sa 2023 ay itataon sa Summit for Democracy.

“We will try to see if we could do one before that summit or after the summit. President Marcos will attend the summit, but at the same time use it an opportunity to have a state visit,” ani Romualdez.

Pagdidiin niya, wala pang presidente ng Pilipinas ang nakabisita sa Washington sa loob ng walong taon.

Si dating pangulong Benigno Aquino III ang huling bumisita sa White House sa isang official visit noon pang 2012.

Matatandaan na sinabi naman ni dating pangulong Rodrigo Duterte na hinding-hindi siya bibisita sa US kasunod ng kritisismo ng ilang opisyal ng naturang bansa sa anti-narcotics campaign ng nakaraang administrasyon.

Samantala, ibinahagi rin ni Romualdez na talagang naging maganda ang samahan at usapan ni Marcos at ni US President Joe Biden sa sidelines ng United Nations General Assembly noong Setyembre.

“I think that they are in for a very good working relationship, a renewed working relationship that I think would be on a different level now. It would be more on what we both need, things that this country needs from us and what we need from the United States,” aniya.

Nais ni Marcos ng mas marami pang economic activity sa pagitan ng dalawang bansa at ipagpapatuloy din ang security alliance.

“Many of his advisers in the White House have told me that he is really seriously looking at when he can go to Manila at some point in time,” pagtatapos nito. RNT/JGC