State visit sa Japan sa sunod na taon, sinisilip ni PBBM – Bersamin

State visit sa Japan sa sunod na taon, sinisilip ni PBBM – Bersamin

November 8, 2022 @ 6:36 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Posibleng magsagawa ng state visit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan sa pagpasok ng 2023, bago bumisita sa China, ayon sa kanyang top aide nitong Lunes, sa patuloy na pagpapalakas ng Manila sa defense cooperation sa Tokyo sa gitna ng umiigting na “.maritime assertivenes” ng Beijing.

Malaki umano ang pagpapahalaga ng presidente sa pagbisita sa Japan, ang pinakamalaking source ng official development assistance para sa bansa, ayon kay Lucas Bersamin sa unang panayam sa foreign media bilang executive secretary, at idinagdag na “there’s no urgency to go to China.”

Tinanggap na ni Marcos ang imbitasyon ng China para sa state visit. Nang tanungin kung ang paglalakbay sa dalawang bansa ay magkasabay, inihayag ni Bersamin na inaasahang ang mas maaga ang pagpunta sa Japan sa susunod na taon “ahead of China.”

Sinabi ng adviser na sinisilip ni Marcos ang pakikipagtulungan sa Japan sa iba’t ibang aspeto gaya ng clean energy, infrastructure, agriculture and food security, at maritime security sa South China Sea. 

Inihayag niya na posibleng magpatulong ang Pangulo sa Japan ukol sa patrol boats, at sinabing “our coastlines will have to be defended.”

Matatandaang nagkita sina Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida noong Setyembre sa sidelines ng UN General Assembly sa New York, at pinaplantsa na ang pagpunta ng pinuno ng Pilipinas sa Japan.

Inisyal na itinakda ang pagbisita sa Disyembre subalit naantala dahil sa regional at international conferences sa taong ito, base kay Bersamin. RNT/SA