Status ng puso ni Heart, idinaan sa painting!

Status ng puso ni Heart, idinaan sa painting!

September 13, 2022 @ 3:57 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines- Sabi nga, a picture can say a thousand words.

Nitong nakaraang Linggo, pinag-usapan ang ipinost ni Heart Evangelista na lumang painting niya.

Sa kanyang work of art na may caption na “Goodbyes 2013,” her subject is that of a sad-looking woman na abstract ang buhok.

In an instant ay naikunek ‘yon ng mga netizens sa pinagdadaanan ng aktres.

At may chronology of events pa.

Taong 2013 nang magpatawag ng presscon ang mga magulang ni Heart expressly saying na hindi sila boto kay Chiz Escudero bilang nobyo ng anak.

By 2014 ay engaged na sina Chiz at Heart, and they tied the knot the following year.

Reaksyon ng mga netizens sa ipinost na lumang painting ng aktres, ramdam daw nila ang sakit na pinagdadaanan ni Heart.

Sabi pa ng ilan, had Heart daw given birth to her kids by Chiz ay hindi na sana umabot sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Pero malay naman natin kung may mas malalim na dahilan sa likod ng kanilang espousal problem.

Samantala, Heart is sporting a new hairstyle.

Kapaniwalaan na kapag ang isang babae from a failed relationship sports a new look, ibig sabihi’y naka-move on na ito or on the road to recovery.

If this is so, Heart’s supporters must be happy for her. Ronnie Carrasco III