STAYC inanunsyo ang kanilang July comeback

STAYC inanunsyo ang kanilang July comeback

July 1, 2022 @ 7:15 PM 1 month ago


SEOUL, South Korea – Kinumpirma ng HIGHUP Entertainment, talent agency ng Kpop girl group na STAYC na magkakaroon ang grupo ng comeback sa susunod na buwan!

“STAYC will be making a comeback some time in mid-July. The girls recently completed their MV filming, and they are now focussing on the final preparations for their return.”

Ito ay makaraan ang limang buwan mula nang huli itong maglabas ng kanilang 2nd mini album na ‘YOUNG-LUV.COM” nitong Pebrero.

Maliban sa inaasahang comeback, kaabang-abang rin ang magiging performance ng STAYC sa “KCON 2022 US TOUR” na gaganapin naman sa Agosto. RNT/JGC