‘Staycations’ pinapayagan na sa GCQ areas

‘Staycations’ pinapayagan na sa GCQ areas

September 12, 2020 @ 11:07 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Pinapayagan na ng gobyerno ang staycations sa mga hotel na batay sa Department of Tourism (DOT).

Ito rin ay inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases base kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa isang mensahe.

“A staycation shall involve a minimum overnight stay for leisure purposes in a DOT-accredited Accommodation Enterprise located in proximity with one’s residence,” paliwanag ni Puyat.

“For instance, residents of the NCR [National Capital Region] can staycation within NCR subject to the requirements of the Local Government Unit (LGU),” lahad pa nito.

Maglalabas din aniya ang DOT ng memorandum circular sa staycations sa GCQ areas.

The memorandum circular, Puyat said, should include “specific regulations on all aspects involved in this activity ranging from the maximum allowable number of persons in a guestroom to use ancillary services such as restaurants and recreational areas.”

Maaalalang ang Metro Manila, Bulacan, Batangas, at Tacloban City ay nasa ilalim ng GCQ hanggang September 30 habang ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay nasa modified GCQ.

Tanging ang Bacolod City, Lanao del Sur, at Iligan City ang nasa ilalim ng stricter lockdown o modified enhanced community quarantine. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...