STD sa POGO paiimbestigahan ng DOJ sa NBI

STD sa POGO paiimbestigahan ng DOJ sa NBI

October 3, 2022 @ 6:19 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ipasisilip ng Department of Justice ang kumakalat na balita na mayroon umanong serye ng hawaan ng sexually transmitted disease (STD) sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) workers.

Hindi pa man natutukoy ang lawak ng hawaan, ipinag-utos na ng DOJ sa National Bureau of Investigation na magkasa ng imbestigasyon para rito.

“It’s really quite sad to say that ang DOJ nakakuha ng iba’t ibang reports tungkol dito sa pag-spread ng STDs. And per our reports, we don’t know the full extent of it yet. But in several reports may mga cases na 15 to 20 sa isang POGO company,” ani DOJ spokesperson Mico Clavano sa panayam nitong Lunes, Oktubre 3.

“This is really part of the report that we’re asking from the NBI to determine the full extent of this. Hindi natin aantayin na umabot pa ito sa ating mga kababayang Pilipino,” dagdag pa niya.

Umaasa naman ang ahensya na matigil na ang iba’t ibang isyu na lumalaganap dulot ng POGO dito sa ating bansa.

Matatandaan na sinabi ng Bureau of Investigation nitong Linggo, Oktubre 2 na kinansela na nila ang alien visa ng 48,782 Chinese POGO workers sa bansa. RNT/JGC