‘Stealth Omicron’ mas mabilis kumalat kaysa original strain — study

‘Stealth Omicron’ mas mabilis kumalat kaysa original strain — study

February 2, 2022 @ 7:52 AM 8 months ago


COPENHAGEN, Denmark — Lumabas sa isang pag-aaral na mas nakahahawa ang sub-variant ng highly contagious Omicron coronavirus kaysa sa orihinal na bersyon nito.

Ang sub-variant BA.2 o ”stealth Omicron” ay nauna nang na-detect sa Denmark kung saan mas dominante na ito kaysa sa Omicron variant o BA.1.

Base sa pag-aaral, ang stealth Omicron ay may 39 porsyentong mas nakahahawa kumpara sa 29% panganib na mahawaan ng BA.1, ayon sa pahayag ng SSI health authority ng Denmark.

Kalahok sa isinagawang pag-aaral ng SSI researchers at Danish universities ang 18,000 indibidwal mula Disyembre 20 hanggang Enero 18.

Sa resulta ng oananaliksik, sinabi ni SSI doctor Camilla Holten Moller na ang BA.2 ay mas nakahahawa sa hindi bakunadong indibidwal kaysa sa BA.1.

Habang ang mga indibidwal na fully vaccinated at nabakunahan na ng booster shot ay may mas maliit na tsyansa na mahawaan ng strain. RNT