Stealth Omicron natukoy na sa Pinas – DOH

Stealth Omicron natukoy na sa Pinas – DOH

January 25, 2022 @ 2:51 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Natukoy na sa Pilipinas ang BA.1 at BA.2 o ang Stealth Omicron, dalawang sub-lineages ng mas nakahahawang Omicron coronavirus variant, ayon sa Department of Health (DOH).

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang BA.1 ay ‘most common’ sa returning overseas Filipinos at Region V habang BA.2 naman ang pinakamadalas sa local cases sa bawat rehiyon.

“Sa ngayon kailangan natin maipaalala at tandaan ang ating mga kababayan, walang nakitang clinical difference sa BA.1 at BA.2,” dagdag pa ni Vergeire.

“Kinakailangan pa rin po ng masusing pag-aaral dahil limitado pa rin ang ating mga obserbasyon na nakukuha dito.” RNT/FGDC