Stealth Omicron natukoy sa 75% ng samples ng PGC —Duque

Stealth Omicron natukoy sa 75% ng samples ng PGC —Duque

January 28, 2022 @ 6:45 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na natukoy ang stealth Omicron variant sa 75% sample na nasuri ng Philippine Genome Center.

Nagdudulot lamang aniya ang BA.2 ng mild symptoms sa COVID-19 patient tulad ng  BA.1, ibang sub-lineage ng Omicron.

Pinagtibay rin ni Duque na ang BA.2 ay kasalukuyang predominant variant sa National Capital Region at iba pang rehiyon.

Punto pa nito, bumababa na ang kaso ng Delta variant at napapalitan ng ibang COVID-19 variants. RNT/FGDC