‘Stealth Omicron’ wala pa sa Pinas – DOH

‘Stealth Omicron’ wala pa sa Pinas – DOH

January 24, 2022 @ 12:40 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang “stealth Omicron” sub-variant BA.2 na naiulat sa ibang bahagi ng mundo ay hindi pa natutukoy sa Pilipinas.

“Hanggang sa ngayon pa naman po wala pa tayong nadedetect na BA.2 dito sa ating bansa,” ani Health Undersecretary at  spokesperson Rosario Vergeire sa CNN Philippines’ The Source.

Aniya, may kakayahan ang Philippine Genome Center na ma-detect ang lahat ng ‘possible lineages’ na mayroon ang bawat sample sa ilalim ng genome sequencing process.

Sinabing natuloy na ang ‘stealth Omicron’ sa mga bansang United Kingdom, Denmark, Sweden, France, Canada, Australia, at India.

Dagdag pa ni Vergeire, bineberipika pa nila ang impormasyon galing sa World Health Organization kung dapat itong iklasipikang variant of interest o concern.

“When Omicron was being reported already, after mga one week lumabas na po yan, yang report na yan na there is another sublineage of this Omicron variant and they call it BA.2,” paliwanag pa ni Vergeire.

 “This came out in some of the areas in Europe kung saan sinasabi nila na it’s overtaking the detections of Omicron at ito na yung kanilang subvariant na nakikita.”  RNT/FGDC