Steel pipes sumagi sa linya ng kuryente, 3 katao nakuryente

Steel pipes sumagi sa linya ng kuryente, 3 katao nakuryente

November 20, 2022 @ 7:57 AM 3 weeks ago


ILOCOS SUR- Tatlong katao ang dinala sa ospital matapos makuryente sa Brgy. Suagayan, Sta. Lucia ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Nobyembre 19.

Kinilala ng Sta. Lucia Municipal Police Station ang mga biktima na sina: Narciso Fabro y Rimaros, 72, may asawa; Erwin Lieo y Hadloc, 34; at Marlou Garcia y Bravo, 44; pawang mga plumbers at residente ng Brgy. Conconig West ng naturang bayan.

Inaalis umano ng mga biktima ang steel pipes sa deep well na pag-aari ni Nieves Habungan nang aksidenteng masagi nila ang linya ng kuryente.

Sabay-sabay na nakuryente ang tatlo at pare-pareho silang nagtamo ng electric burn sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Ang mga biktima ay agad na dinala sa ospital ng mga rumespondeng miyembro ng LDRRMO-Sta. Lucia.

Nabatid na nasa stable condition na ang tatlong biktima. Rolando S. Gamoso