Stepdad ni Aiko, namatay sa COVID 19!

Stepdad ni Aiko, namatay sa COVID 19!

February 22, 2021 @ 7:18 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ibinahagi ni Aiko Melendez ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng kanyang stepfather o amain na si Dan Castaneda nitong February 21: COVID-19.

 

Aniya, naagapan sana ang sakit ng kanyang amain kung hindi sana inilihim ng kanyang mga kaibigan.

 

Nasa Amerika si Ginoong Castaneda nang pumanaw.

 

Isang open letter din ang ipinost niya sa kanyang FB page kung saan abut-abot ang kanyang pasasalamat sa tumayong ama niya mula noong anim na taong gulang pa siya.

 

Si Aiko ay anak ni Elsie Blardony sa namayapa na ring aktor na si Jimi Melendez.

 

Ani Aiko, “You’re my one and only daddy.”

 

Dalawa ang kapatid ni Aiko sa ina. May mga sarili na rin itong pamilya.

Isang mahalagang leksyon daw ang natutunan ni Aiko sa pagkawala ng amain. Ito’y huwag balewalain ang COVID-19. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •