Shaq sumailalim sa hip surgery

UNITED STATES – Inoperahan sa balakang ang Hall of Famer na si Shaquille O’Neal, sinabi ng Broadcaster TNT nitong Lunes (Martes oras sa Pilipinas), matapos takutin ng four-time NBA champion ang mga tagahanga sa pamamagitan ng pag-post ng larawan ng kanyang sarili na nakahiga sa isang hospital bed.
Mawawala ang 15-time All-Star at analyst para sa “Inside the NBA” sa broadcast booth habang siya ay nagpapagaling ngunit nagpadala ng mensahe ng suporta para sa trabahong ginagawa ng kanyang kapwa sportscasters na sina Ernie Johnson at Candace Parker noong Linggo.
Palagi kong pinapanood ang @TurnerSportsEJ at @Candace_Parker miss y’all pic.twitter.com/4tY4X6v1Pj
— SHAQ (@SHAQ) Marso 19, 2023
“Palagi akong nanonood,” isinulat ng 51-taong-gulang sa Twitter, na may larawan ng kanyang sarili na naka-hospital gown. “Miss kayong lahat.”
Ang pitong beses na WNBA All-Star Parker ay tumugon sa tweet na, “Love ya big Fella,” habang ang mga tagahanga ay nag-isip tungkol sa kanyang kapakanan. Kinumpirma ng isang tagapagsalita ng TNT ang operasyon.JC
Zubiri sa mga estudyante: Pagsali sa frat dapat ideklara sa school admin

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat amin o ipagbigay-alam sa school administration ng lahat ng estudyante ang kanilang pagsali sa anomang organisasyon sa pamantasan tulad ng fraternity.
Sa pahayag, sinabi ni Zubiri sa pagtatapos ng pagdinig ng Senate committee on justice and human rights nitong Lunes na kapag ideneklara ng estudyante kung ano ang sinalihang organisasyon ito, matutukoy kagad kung mayroon silang ginawang mali tulad ng hazing.
“You’ll now have to put in your entry form: Are you a member of a fraternity? Yes or no? Now, if they lie on that particular issue and they are a member of a fraternity, eventually they will get into trouble in the schools, fraternity or sorority. Maybe the schools will have a reason to expel or to suspend the students,” ayon kay Zubiri saka idinagdag na mayroong fraternity na hindi school-based.
Sinabi ni Lawyer Luzviminda Rosales, legal counsel ng Philippine Association of State Universities and Colleges, na malaking tulong ang panukala ni Zubiri.
“That’s really the problem for the universities. We are not in fact knowledgeable whether these students are actually members and there were no reported incidents of hazing in the universities,” ayon kay Rosales.
Nagsagawa ng pagbisita ang komite sa pamumuno ni Senator Francis Tolentino, sa Republic Act No. 11053 o ang Anti-Hazing Act upang lagyan ito ng “matalim na pangil.”
Magkasamang hinikayat nina Senador Ronald Dela Rosa at Raffy Tulfo, ang pamunuan ng paaralan na lumikha ng inisyatiba upang iiwas ang estudyante partikular ang miyembro ng fraternity at sorority na magsagawa ng hazing.
Bukod sa pagkilala sa fraternity, responsibilidad ng pamantasan ang anumang gawain ng estudyante.
Inihayag naman ni Col. Virgilio Jopia, Biñan City police chief, na pitong suspek ang naaresto at nasampahan ng kaso sa pagkamatay ni Adamson University engineering student John Matthew Salilig. Ernie Reyes
Ginebra star LA Tenorio may stage 3 colon cancer

MANILA, Philippines – Lumalaban ngayon si Barangay Ginebra star pointguard LA Tenorio, 38, sa isang mabigat na laban, pero hindi sa loob ng basketball court, kundi sa nakamamatay na sakit na Stage Three colon cancer.
Sa kanyang pahayag, humihingi siya ng paumanhin sa publiko dahil sa paglihim ng kanyang inisyal na diagnosis tatlong linggo na ang nakararaan nang hindi siya makalaban sa kampanya ng Gin Kings sa PBA Governors’ Cup.
“Na-diagnose ako kamakailan na may Stage 3 colon cancer. Ang unang pagsubok tatlong linggo na ang nakakaraan ay humantong sa akin par hindi makalahok sa mga ensayo at laro. Natapos ko na ang operasyon ko noong nakaraang linggo at malapit na akong magpagamot sa mga susunod na buwan,” sabi ni Tenorio.
Nilinaw ni Tenorio na hindi pa siya magreretiro sa basketball dahil naniniwala siyang gagaling siya sa lalong madaling panahon sa tulong ng mga doktor mula sa Pilipinas at Singapore.
“Hindi lang 17 full years ang ibinigay ko sa PBA, pero buong buhay ko ay inialay ko sa basketball. Ipinangako ko ang aking katawan at kalusugan para sa pagmamahal sa laro. Naging passion at love ko na. Sadly, there are things beyond one’s control,” ani Tenorio.
Kamakailan ay hindi nalaro ni Tenorio ang kanyang unang laban pagkatapos ng 744 na laro, na nagtapos sa pinakamahabang record na sunod-sunod na laro na nilalaro ng isang aktibong manlalaro.
Sa oras na hindi siya sumabak sa laro, sinabi ni Tenorio na siya ay nag-aalaga ng pinsala sa singit. Pero nitong Martes, inamin ni Tenorio na inilihim niya ang totoong dahilan ng kanyang pagliban.
Humingi siya ng paumanhin sa pagtatago niya sa kanyang tunay na sitwasyon sa publiko.
“Nais kong maglabas ng pahayag tungkol sa aking katayuan sa kalusugan sa pamamagitan ng unang paghingi ng tawad sa aking mga kasamahan, ilang mga coach, ang PBA, ang mga tagahanga, ang media at maging ang ilang mga kaibigan. Tulad ng alam ng karamihan sa inyo na ako ay nag-aalaga ng minor na pinsala mula noong Finals noong Enero. Ginamit ko iyon na dahilan ng biglaan kong pagliban. Ang aking taos-pusong paghingi ng tawad sa lahat,” ani Tenorio.
“Sa aking propesyon sa sports na nakatali sa kalusugan at entertainment, magiging napakahirap na panatilihing sikreto ang tunay na dahilan at hahantong lamang sa mga hindi kinakailangang tsismis, pekeng balita at maling interpretasyon,” sabi ni Tenorio.
Sinabi ng 38-anyos na si Tenorio na tiwala siya na gagaling siya at magiging mas malakas kaysa dati.
“Ngunit sa aking PANANAMPALATAYA, iniaangat ko ang lahat sa Diyos ngayon at naniniwala ako na may mas mataas na layunin sa pagdaan ko sa bahaging ito ng aking buhay. Hindi pa ako nagre-retire sa larong gusto ko, at sa tulong ng pinakamahuhusay na doktor sa Pilipinas at Singapore, NANINIWALA akong mahawakan ko muli ang basketball at makabalik nang mas malakas,” dagdag pa ni Tenorio sa kanyang post.JC
Doktor na tumangging gamutin si Salilig hanapin, panagutin – Tolentino

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Senator Francis Tolentino ang National Bureau of Investigation (NBI) ang doktor na tumanggi umanong magbigay ng tulong medikal sa hazing victim na si John Matthew Salilig.
Sinabi ng senador sa pagdinig sa Senado na base sa affidavit ng isa sa limang suspek sa Salilig case na boluntaryong sumuko sa NBI na si Ralph Benjamin Tan alyas Scottie, ang doktor ay tumangging tulungan si Salilig.
Anang senador, aalamin kung sino ang doktor na ito na tumangging sumaklolo kay Salilig na nooy buhay pa.
“Palagay ko po sa NBI dapat malaman natin kung sino ang doktor na ito. Ito po ay lisensyado ng [Professional Regulatory Commission], ito po ay medical practitioner. Wala po akong alam na doktor na hindi nagbibgay ng tulong sa nangangailangan pero ito kaharap niya na oh, ayaw niya,” sabi ni Tolentino.
Sinabi ni NBI agent Joseph Martinez, na kumuha ng salaysay ni Tan, na sinusubukan pa nilang kilalanin ang doktor dahil tila hindi rin matukoy ni Tan kung sino talaga yung doktor.
Sinabi ni Tolentino na dapat makasuhan ang doktor ng paglabag ng Hippocratic Oath.
Tinapos ng Senate Justice and Human Rights panel ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Salilig pagkatapos ng dalawang pagdinig.
Sa unang pagdinig, nalaman na ang mga miyembro ng Tau Gamma ay nagpasya na hindi dalhin sa ospital si Salilig matapos siyang makaranas ng seizure habang isinasagawa ang fraternity welcoming rites.
Natagpuan ang bangkay ni Salilig sa isang mababaw na hukay sa Imus, Cavite, noong Pebrero 28, sampung araw matapos itong iulat na nawawala. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Saleslady kinatay ng selosong ka-live
