Stock trading, pwede na sa Gcash sa Nobyembre – PSE

Stock trading, pwede na sa Gcash sa Nobyembre – PSE

September 19, 2022 @ 5:46 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pwede nang mag-invest sa stock market ang mga subscribers ng digital payment platform na Gcash simula Nobyembre.

Ito ang sinabi ng Philippine Stock Exchange (PSE) makaraang makipag-tulungan ito sa naturang platform.

“GCash and PSE have agreed to tie up. And we will be offering stock trading to the 67 million subscribers of GCash,” sinabi ni Ramon Monzon, PSE President and Chief Executive sa isang panayam.

“We agreed on the commercial terms and we are now doing the technical issues,” dagdag pa niya.

Ayon sa PSE, ang tie-up nito sa Gcash ay bagong inobasyon lalo na sa usapin ng stock exchange dahil mas marami na ang mga retail investors na papasok sa naturang aktibidad.

“When we were going over the projections of GCash, they project[ed] about more than nine million new investors in five years’ time,” masayang pagbabahagi ni Monsod. RNT/JGC