Stomach Girl, umamin sa ‘pandaraya’ sa Pinoy Henyo!

Stomach Girl, umamin sa ‘pandaraya’ sa Pinoy Henyo!

February 28, 2023 @ 4:53 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines- Binasag na ng magjowang sina Lyka at Ryan ang kanilang katahimikan nang napagbintangan silang nandaya bilang mga contestants sa isang episode ng Pinoy Henyo sa Eat Bulaga.

Nag-viral kasi ang magkasintahan sa social media dahil sa walang tigil na pamba-bash na nakuha nila sa netizen. Si Lyka ay binansagan na ngang si ‘Stomach Girl’.

FYI, nakita kasi sa slowmo ng video na pasimpleng ibinulong ni Lyka ang salitang ‘stomach’ na sioyang sagot sa pinahuhulaang salita. Mukhang napansin naman ‘yun ni Ryan at ang salitang ‘stomach’ nga ang kanyang sinagot na tumama naman.

Ang dalawa ay may mensahe sa pamunuan ng programang Eat Bulaga sa intervbiew nila sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Paliwanag nila, hindi nila intensyon na mandaya at humingi sila ng paumanhin sa publiko.

“Hindi ko po intention na sabihin ‘yung word na ‘Stomach.

“Yung du’n po sa nangyari is dala po ng bugso ng damdamin. Lahat naman po tayo nagkakamali, ‘di ba? Dala lang po ng emosyon, ng intense sa sarili kaya ganu’n po yung nangyari.

“Pasensiya na po kung ganu’n po ‘yung way ng paglalaro namin. Pasensiya na po kung sa tingin ninyo may pandadayang maganap pero hindi ko po intensyon na mandaya,” sabi ni Stomach Girl.

Humingi rin ng paumanhin si Ryan.

Humingi rin ng paumanhin si Lyka sa mga host at pamunuan ng Eat Bulaga at hinihintay pa raw nila kung ipatatawag sila sa programa upang ipahayag ang kanilang panig.

Ayon kay Ryan, handa nilang tanggapin ang kanilang responsibilidad at kung may parusa man sa kanilang ginawa.

“Alam po namin ‘yung pagkakamali namin kaya ready po kami na i-bear po lahat ng consequences po sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa po namin,” saad niya.

Sabi ng ilang netizens, dapat ay ibalik ng dalawa ang napanalunan nilang P30,000, na ayon sa dalawa ay hindi naman binawi ng programa.

“Nalungkot din po ako kasi may mga tao din po talagang nagja-judge po sa amin. Nag-deactivate po kami ng account para po hindi po namin makita ‘yung mga criticisms po ng mga tao,” ani Ryan.

“Sa mga basher po tumigil na po kayo kasi marami na pong naaapektuhan,” ayon naman kay Lyka.

Mensahe nila sa pamunuan ng “Eat Bulaga.”

“Sa Eat Bulaga, sa Pinoy Henyo po, sa mga host, hinihingi po namin ng pasensya ‘yung mga pangyayari po.” Joey Sarmiento