Storm signal sa bansa, binawi na; pero #CarinaPH hahagupit sa 3 Luzon areas

Storm signal sa bansa, binawi na; pero #CarinaPH hahagupit sa 3 Luzon areas

July 14, 2020 @ 7:19 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patuloy na hahagupitin ni Tropical Depression #CarinaPH ang  lIocos Norte, Batanes, at Babuyan Islands ayon sa weather bureau ngayong Martes.

Base sa weather forecast ng PAGASA, patuloy na mararanas ng pagulan at thunderstorm ang mga lugar na nabanggit.

“Carina was last eyed 140 km. west-northwest of Basco, Batanes and is slowly moving northwestward. It packs a maximum sustained winds of 45 kph near the center, and gustiness of up to 55 kph,” base sa pinakahuling abiso ng PAGASA.

Samantala, wala naman nang umiiral na tropical cyclone warning sa buong bansa.

Ngunit maari pa ring makaranas ng isolated rain showers sanhin ng localized thunderstorms ang ibang bahagi ng bansa.

 

Nagbabala naman ng PAGASA sa posibleng flash flood o landslide.

Inaasahan naman ng PAGASA na malulusaw si #CarinaPH sa low-pressure area nitong gabi ng Martes o Miyerkoles. RNTa


  •  
  •  
  •  

Loading...