Storm signals posibleng itaas mamayang gabi

Storm signals posibleng itaas mamayang gabi

September 23, 2022 @ 12:54 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Napanatili ng Tropical Storm Karding ang lakas nito habang nagpapatuloy sa pagkilos sa Philippine Sea.

Ito ang iniulat ng PAGASA ngayong araw, Setyembre 23 kung saan sa 11 AM bulletin nito ay nagbabantang lumapit ito sa silangang bahagi ng North Central Luzon simula mamayang gabi.

Batay sa latest track ng bagyo, inaasahang magtaas ng Wind Signal No. 2 ang ahensya sa ilang lugar na dadaanan ng bagyo.

Dagdag pa ng PAGASA, Linggo ng umaga posibleng mag-landfall ang Tropical Storm Karding sa silangang baybayin ng Hilagang Luzon.

Sa huling datos, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,085 kilometro silangan ng Northern Luzon at ito ay may taglay na lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugso na 80 kilometro kada oras. RNT/JGC