Storm surge posible sa Luzon, Visayas sa Paeng – PAGASA

Storm surge posible sa Luzon, Visayas sa Paeng – PAGASA

October 28, 2022 @ 5:38 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA ng posibilidad ng storm surge na aabot sa 2 metro ang taas sa mga coastal areas sa Luzon at Visayas.

Sa 2 p.m. bulletin ng ahensya, sinabi nito na mayroong “minimal to moderate risk” ng storm surge ng aabot sa dalawang metro ang mga low-lying at exposed coastal areas sa Bicol Region, Quezon kabilang ang Pollilo Islands, eastern portion ng Aurora, northern at eastern portions ng Northern Samar, at eastern portion ng Eastern Samar,

Ang storm surge o daluyong ay tumutukoy sa pagtaas ng lebel ng dagat dulot ng bagyo na mas mataas ng ilang metro kaysa sa normal na lebel nito.

“Storm surge becomes more dangerous when it arrives on top of a high tide. When this happens, it may flood areas that otherwise might have been dry or safe. On top of the storm surge, big and strong waves generated by powerful winds also comes with it,” ayon sa PAGASA.

Maaari ring magdulot ng katamtaman hanggang sa matinding pinsala ang 1 hanggang 2 metrong storm surge sa mga komunidad malapit sa tabing-dagat at mga low lying areas. RNT/JGC