Environmental group: Plastic out, eco-friendly bag in

July 3, 2022 @4:15 PM
Views:
43
MANILA, Philippines- Sa pagdiriwang ng International Plastic Bag Free Day, nagsagawa ng aktibidad ang BAN Toxics, isang environmental group kung saan hinikayat ang mga Filipino customers at vendors na tanggalin na ang single-use plastic bags pabor sa reusable at eco-friendly na mga alternatibo.
Ginanap ang aktibidad sa R. Calalay Frisco Market sa Quezon City upang itaas ang kamalayan sa krisis sa plastik sa Pilipinas at isulong ang mga eco-friendly na bag.
Dinaluhan ng mga boluntaryong ina at BT Patroller ang aktibidad at nagpakita ng iba’t ibang reusable at eco-friendly na mga bag na gawa sa mga likas na materyales tulad ng kawayan, rattan, pandan, niyog at dahon ng palma, tela, tela, at katsa upang hikayatin ang publiko na lumipat sa mga alternatibong magagamit muli.
Ang International Plastic Bag Free Day ay idinisenyo upang itaas ang kamalayan ng publiko sa plastic pollution at ang epekto nito sa ecosystem at biodiversity, lalo na sa marine wildlife.
Itinatag ito bilang isang pandaigdigang inisyatiba na may layuning ipagbawal ang mga single-use na plastic bag sa buong mundo at hikayatin ang lahat na lumipat sa mga alternatibong makakalikasan upang itaguyod ang pangangalaga sa kapaligiran.
Samantala, ang pandaigdigang produksyon ng plastik ay tumaas mula 2 milyong tonelada noong 1950s hanggang higit sa 438 milyong tonelada noong 2017, isang trend na inaasahang magpapatuloy. Jocelyn Tabangcura-Domenden
P272M ‘shabu’ nasabat sa QC buy-bust

July 3, 2022 @4:00 PM
Views:
52
MANILA, Philippines- Nasabat ng mga awtoridad nitong Linggo ang P272 milyong halaga ng hinihinalang “shabu” (crystal meth) mula sa isang Chinese national sa isang buy-bust operation sa Quezon City.
Nagtulungan ang Philippine National Police Drug Enforcement Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang operasyon na ikinasa sa Barangay Lourdes.
Sa nasabing operasyon, naaresto ang isang Chinese national alyas “Jia,” 33.
Nakumpiska rin ang 40 kilo ng hinihinalang shabu mula sa suspek na kasalukuyang hawak ng PDEA. RNT/SA
2 ‘durugista’ timbog sa P97K shabu sa Malabon

July 3, 2022 @3:04 PM
Views:
44
MANILA, Philippines- Swak sa kulungan ang dalawang bagong indentified drug personalities, kabilang isang misis matapos makuhanan ng higit P97,000 halaga ng shabu sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek bilang sina Celia Orenda, 56 at Nilo Orlanda alyas “Unuo”, 46, kapwa ng Caloocan City.
Ayon kay Barot, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa kahabaan ng P. Aquino St. Corner Dr. Lascano St., Brgy. Tugatog.
Isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang sinuggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 14.37 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P97,716 at buy-bust money.
Ani PSSg Jerry Basungit, kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura
39 nagtapos sa Bidahan community-based rehab program ng Navotas

July 3, 2022 @2:55 PM
Views:
39
MANILA, Philippines- Lubos na ikinatuwa ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang pagtatapos ng 39 na kapwa Navoteño na dating gumamit ng ilegal na droga sa Bidahan community-based rehabilitation program dahil sa kanilang pagsisikap na magbago at suporta ng kanilang mahal sa buhay.
“Suportahan po natin sila para tuluyan ng magbago ang kanilang buhay at maging produktibo silang mamamayan ng ating lungsod,” paghikayat ni Tiangco. Jojo Rabulan
Pasay hotel nagliyab!

July 3, 2022 @2:45 PM
Views:
59