Strategic plan sa judicial innovations ng SC inilunsad

Strategic plan sa judicial innovations ng SC inilunsad

October 14, 2022 @ 2:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pormal nang inilunsad ng Korte Suprema ngayong Biyernes, Oktubre 14 ang Strategic Plan for Judicial Innovations (SPJI) nito para sa 2022-2027 kabilang ang reporma na layong mapaunlad pa ang serbisyo nito.

“’Yung role na ‘yun, ‘yan ‘yung napapalaman dito sa ating SPJI. And that is what we call the reformist role. Ito ‘yung nagiging pro-active ‘yung husgado para maging makatotohanan ‘yung sinasabi natin na mabilis at patas na hustisya,” pahayag ni Associate Justice Maria Filomena Singh kasabay ng launching ng SPJI.

“So ‘yung SPJI, in short, is a collation, a compilation ng lahat-lahat ng activities at mga programa ng Korte Supreme para tugunan ang pangangailangan ng ating taong bayan,” dagdag pa niya.

Para mas maging mabisa pa ang trabaho ng Korte Suprema, nais nilang magkasa ng “top-to-bottom” organization review at maglabas ng competency framework assessment and recommendations.

“For maximum efficacy, it is important for the Court to trim the fat within its ranks and purge non-efficient processes,” ayon sa SPJI.

Pinag-aaralan din ng Korte ang system-wide process mapping, public service continuity plan at experience-based metrics.

Pagdating naman sa inobasyon, target ng SC na paunlarin pa ang teknolohiya sa lahat ng kanilang operasyon sa kanilang mga korte.

“Ang gagawin po namin sa SPJI, we will re-train them, we will do building of their capacities para ang technology-driven ideas namin ay ma-implement nila. So we’re not going to cut people from our roster,” pahayag naman ni Associate Justice Ramon Paul Hernando patungkol dito.

“Instead, what we will do is we will build on their capacities para lumawak ang kanilang mag aktibidad at ma-meet nila ‘yung mga kailangan maisagawa sa SPJI,” dagdag pa niya.

Matatandaan nakapagsagawa na ng aabot sa 778,000 video-conferencing hearings ang Korte Suprema mula noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Nais rin ng SC na palakasin pa ang access to information and legal services ng kanilang ahensya. RNT/JGC