STRAY KIDS member natumba sa airport

STRAY KIDS member natumba sa airport

June 22, 2022 @ 6:30 PM 1 week ago


SEOUL, South Korea – Worried ang mga fans sa pagkatumba ng isa sa mga miyembro STRAY KIDS na si Han sa Incheon International Airport.

Ito ay dahil kapansin-pansin na talagang nasaktan ang Kpop artist nang bumagsak ito at tumama ang siko sa sahig.

Ayon sa ilang saksi, natumba si Han dahil sa dami ng tao na nagpupumilit na makalapit sa kanila at maririnig pa umano ang sinasabi ng mga guwardya na huwag siyang itulak.

Sa kabutihang palad ay hindi naman seryoso ang naging injury ng STRAY KIDS member at siniguro ito sa mga fans sa pamamagitan ng isang ngiti.

Kakabalik lamang ng grupo sa Korea makaraan ang matagumpay na concert nito sa Japan para sa kanilang 2nd world tour na ‘Manic’. RNT/JGC