Stress ka ba? Go for Sweets!

Stress ka ba? Go for Sweets!

July 30, 2018 @ 4:14 PM 5 years ago


 

Alam mo bang napatunayan ng siyensya na kapag tayo ay stressed malaki ang posibilidad na mag-crave tayo sa sweets. Ito ay dahil kapag tayo ay stressed tumataas ang level ng hormone na tinatawag na cortisol. At kapag kumain tayo ng matamis ay tumataas naman ang hormone na tinatawag na serotonin na siya namang nagpapa-kalma at nagpapa-relax sa atin. Kumbaga parang ito lang ang paraan ng katawan natin mag-chill!

Kaya naman ito ang super easy at stress-free na recipe na sure perfect para sa stressful moments mo. With just four ingredients masa-satisfy na ang cravings mo!

 

HOMEMADE FUDGEE CAKE (NO BAKE)

Ingredients:

  • 8 fudgee bars
  • 1 pack of nestle cream
  • ½ of 1 can condensed milk
  • 2-3 packs Cream-O/Oreo cookies (crushed)

 

Instructions:

  1. Balutan ng aluminum foil ang pan na gagamitin mo bes para madaling i-unmold.
  2. I-whip ang cream hanggang sa lumapot, pagkatapos ay ilagay ang condensed milk. Haluin itong mabuti.
  3. Palamigan muna (yung kasing-lamig niya) ng halos isang oras bago ayusin ang fudgee bars.
  4. Habang nagpapalamig ng cream hatiin ang fudgee bar sa gitna.

 

Assembly:

  1. Lagyan ng whipped all purpose cream ang pan, tapos ay ilagay ang sliced Fudgee bars, wag hayaang magkaroon ng space sa gitna (di tulad niya na nanghingi ng space sayo).
  2. Pagkatapos ay lagyan ulit ng cream. Lagyan ng crushed Cream-O. Gawin din ito sa mga sumusunod na layer.
  3. Mag-sprinkle ulit ng crushed Cream-O sa ibabaw pagkatapos ng lahat ng layers.
  4. Palamigan ng ilang minuto. Serve and enjoy!

 

Tips: Pwede mo ring i-try na lagyan ng marshmallows sa gitna . At lagyan ng colorful nips as decoration.

See? Easy na yummy pa! So what are you waiting for? Unwind, indulge and relax na while eating this Homemade Fudgee cake. (Remate News Team)