Stude na walang face mask huli sa P.3M tobats

Stude na walang face mask huli sa P.3M tobats

January 29, 2022 @ 11:59 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Swak sa hoyo ang isang 19-anyos na estudyante nang mahulihan ng lagpas P.3M shabu nang sitahin dahil walang suot na face mask sa Caloocan City.

Maliban sa mga kasong paglabag Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at disobedience of lawful orders of Persons in Authority or their Agents ay haharap din sa paglabag sa City Ordinance 0862 na nagmamandato sa pagsusuot ng face mask si Joseph Sabsalon y Beaniza, binate, ng 169 Bagong Sikat St., Brgy. 132, Bagong Barrio, Caloocan City.

Naispatan si Sabsalon ng mga parak sa Bagong Sikat St, Brgy 132, Bagong Barrio, Caloocan City noong Enero 27 ng hapon na walang suot na face mask at nang lapitan ay nagtangkang tumakas ang suspek ngunit nahuli rin matapos ang maikling habulan.

Nang kapkapan ay nakuha sa suspek isang sachet na naglalaman ng aabot sa 50 gramo ng sinasabing shabu na may presyong P340,000 at idiniretso na sa presinto matapos basahan ng kanyang mga karaparatan at piliing manahimik. Merly Iral