Stude nagka-COVID-19 sa face-to-face class, 45 kaklase nasa peligro

Stude nagka-COVID-19 sa face-to-face class, 45 kaklase nasa peligro

September 11, 2020 @ 1:11 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagpostibo ang isang estudyante sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos magsagawa ng face-to-face class ang isang pribadong eskwelahan sa Cauayan City, Isabela.

Kinumpirma ito ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO) kung saan lumabas ang resulta ng swab test ng estudyante nitong Sabado, Setyembre 5 at positibo ito sa nasabing virus.

Nagkaroon umano ng contact ang estudyante sa isang empleyado ng city hall na nagpositibo rin sa virus.

Base pa sa ulat na 45 iba pang mga estudyante ang dumalo sa face-to-face class.

Ayon naman sa City Health Office ng Cauayan na nagsasagawa na umano sila ng mahigpit na contact tracing sa nakasalamuha ng estudyanteng nagpositibo sa COVID-19.

Sa katunayan, 33 kataong nakasalamuha ng estudyante ang naisailalim na sa swab test at hinihintay na ang resulta nito ayon sa CPIO.

Ipinasara naman ng Cauayan city government ang pribadong eskuwelahan na hindi pinangalanan.

 “It’s a private school which is now temporarily closed din po,” ayon sa isang staff ng Cauayan city government.

Sa pahayag naman na ipinadala ng Cauayan City government sa pamamagitan ni Atty. Reina Santos, pinapayagan ang face-to-face classes sa syudad dahil nakasailalim naman umano ang probinsya ng Isabela sa modified general community quarantine (MGCQ) alinsunod umano sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the coronavirus disease (COVID-19). RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...