Student learning kits ipinamahagi sa isang hayskul sa Pandacan

Student learning kits ipinamahagi sa isang hayskul sa Pandacan

December 13, 2021 @ 5:03 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng Student Learning Kit para sa mga estudyante sa lungsod. Ito ay para sa mga mag-aaral mula Grade-7 hanggang Senior High School.

Isa sa may malaking papulasyon ng estudyante ay mula sa Manuel A. Roxas High School sa Qurino Avenue Extension sa Pandacan, Maynila kung saan karamihan sa mga pumila ay pawang mga magulang, na nakatanggap ng mga Student Learning Kits kasama ang tablet para sa online class.

Nasa mahigit 1,000 mga estudyante ang nakinabang sa ipinamahaging learning kit na may lamang face mask, alcohol, tumbler, ballpen, notebook at power bank.

Kasabay nito, ipinamahagi na rin ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mga guro ng nasabing paaralan ang mga bagong tablet na gagamitin ng mga estudyante.

Nabatid na bukod sa Manuel A. Roxas Senior High School, namamahagi na rin ang iba pang pampublikong paraalan sa elementrya at high School ng mga gamit ng estudyante sa buong lungsod ng Maynila. Crismon Heramis