Studio na pinagawa ni Matteo, kinonek kay Mommy Divine!

Studio na pinagawa ni Matteo, kinonek kay Mommy Divine!

January 27, 2023 @ 8:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Ilang buwan na lang ay maaari nang pakinabangan ni Sarah Geronimo ang studio na ipinagagawa ng asawang si Matteo Gudicelli sa kanya.

Ipinost ni Matteo ang location nito which is “right in Landers” sa Alabang.

It’s a two-story building na kumpleto sa facilities.

It houses a video shooting space, a rehearsal area and a recording space na hindi na kailangang dumayo at lumayo pa si Sarah in preparation for her recording and concert.

Kumbaga, one-stop na ito which will save Sarah the effort of shuttling between places.

Curious tuloy ang mga netizens kung magkano inabot ang pagpapagawa nito considering na state of the art pa ang equipment nito.

Balak din daw ba ng mag-asawa na paupahan ito sa ibang artists kung walang commitment si Sarah?

Bagay lang din daw na tawagin itong G Studios which stands for Guidicelli and Geronimo.

‘Yun nga lang, naisingit na naman ng mga netizens si Mommy Divine sa pagbibida ni Matteo ng nasabing studio.

Ano raw ang saysay ng isang magarang studio ng mag-asawa kung hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang sigalot sa pamilya ng Pop Royalty?

At sa blessing daw ba ng G Studios ay iimbitahan nila si Mommy Divine?

The height of kanegahan ay ang komentong baka rin daw matulad sa kasal nila na no-invite kay Mommy Divine?

If so, may Part 2 ang pagwawala ni Mommy Divine?

Huwag naman sana… Ronnie Carrasco III