Stupid God…

Stupid God…

July 9, 2018 @ 6:56 AM 5 years ago


 

Nagagalit ba ang Di­yos ninyo? Marahas ba ang inyong Diyos? Mapag­higanti ba ang iyong Di­yos?

If so, then you might have the wrong god. A stupid god! And President Rodrigo Roa Duterte was right!

Ito ang madalas kong ku­westiyon sa mga taong simbahan ngayon. Sila na nagsasabing tagapa­magitan o taga­pag-ugnay ng mga ordinar­yong tao sa Panginoong Maykapal. Sila na dapat sana ay ga­bay ng tao upang mapa­buti ang kalooban, ugali at lahat ng asal ng isang ma­ka-Diyos na gawain sa lupa.

Iba ang GOD, God at ang god. ‘Yung unang da­lawa ay may mataas na pag­galang at ang huli ay ga­mit kanto lang kum­baga. Kailangan na alam natin ang pagkilala sa tu­nay na Diyos sa dinidiyos ng ilang na kumplikado.

Nagsimula ang kuwesti­yon ni Pangulong Duterte sa sinasabing “original sin” na hawi umano sa kasalanan nina Eba at Adan na unang tao na nilik­ha ng Diyos. Namuhay sila sa unang mundo na hubo’t hubad dahil wa­lang malisya. Nabuhay sila sa paraiso dahil napapaligiran sila ng mga halaman at hayop.

Nagsimula ang “original sin” dahil kinain daw nina Eba at Adan ang bu­nga ng mansanas na mahigpit daw na ipinagbaba­wal sa kanila ng Diyos. Nalansi sila ng isang ma­laking sawa at napakain ng mansanas na bawal.

Sa pag-ikot ng panahon ay nabuo ang Bibliya matapos mamatay si HesuKristo, ang “anak ng Diyos.” Sabi, mga ala­gad daw ng Diyos ang mga sumulat ng anoman mayroon ang Bibliya. Naroon ang bawat utos daw ng Di­yos at pagpapahayag ng kabanalan ngunit tinutukoy rin ang masama at bawal ayon daw sa utos.

Sabi ng simbahan, nasa sinapupunan pa lang ang sanggol ay “ma­kasalanan” na at tanging binyag sa pagsilang nito ang makaaalis ng sala. Hayun, binyag kaliwa’t kanan na maraming ninong at ninang. Ang bongga ng handa.

Habang lumalaki ang bata, namumulat sa mundo, nakagagawa ng sari­ling kasala­nan sa sarili. Kung may ganoon, kaila­ngan ba uli ng binyag para mabura uli ang kasala­nan? Sabi ng pari, no way! Iba na raw?

Isang tanong natin, mula sa Iglesia Katolika o Katoliko, bakit biglang dumami ang humiwalay na gamit din ang bibliya pero kaiba na ang interpretasyon? Bakit ang koleksyon ng simba­han ay kailangan ipadala ang mala­king bahagi sa Vatican sa Roma? Bakit ang kontribusyon ay ginamit sa ne­gosyo ng simbahan pero para sa may pera at may­­kaya lang hindi ang mga maralitang mama­mayan?

Is that your god’s order? Indeed, stupid god!

-BALETODO NI VERZOLA