Suarez sinisingil sa P4M electric bill ng sinasabing pagmamay-aring palaisdaan

Suarez sinisingil sa P4M electric bill ng sinasabing pagmamay-aring palaisdaan

January 27, 2022 @ 2:44 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Pinagbabayad ng isang dating Quezon 4th district board member si Gov. Danilo Suarez sa utang nito umano na higit P4 milying nakonsumong kuryente sa isang palaisdaan na pinatatakbo umano ng pamilya nito.

Sa ulat, sinulatan umano ng demand letter ng abogadong si Frumencio ‘Sonny’ Pulgar, ang legal counsel ng Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. (Q1ECI) na nakabase sa Bgy. Poctol, Pitogo, Quezon si Gov. Suarez na may petsang Enero 6, 2022.

Nakasaad dito na kailangang magbayad ng obligasyon si Suarez aa loob ng 5 araw “otherwise we shall initiate the appropriate administrative, civil, and criminal actions against you protective of our said client’s interest,” saad pa sa liham.

Ayon kay Pulgar sa kanyang liham, ang palaisdaan ni Suarez ay may utang na umano sa Q1ECI ng halagang P4,530,276.09 hanggang niting Enero 12.

Ibinunyag pa ni Pulgar na sinasabi umano ni Suarez na ang power consumption ng Fin Fish Hatchery (FFH) na nasa Bgy. Punta, Unisan, ay sa ilalim ng account ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nauna naman nang hiningan ng panig ni Victor Cada, ang acting general manager ng Q1ECI, si Allan Castillo, provincial officer in charge ng BFAR na naka-base sa Lucena city, kaugnay ng mga unpaid balance sa kunsumo ng kuryente ng Suarez’ fish facility, na sinulatan noong Enero 4.

Sumagot naman si Castillo kay Cada noong Enero 7 kaugnay ng account ng Unisan Multi-Species Hatchery na sumasakop sa buwan ng Mars9 2020 hanggang Nobyembre 2021.

Sinabi ni Castillo na ang nasabing kunsumo ng kuryente sa panahong nabanggit ay hindi sagutin ng BFAR.

“Based on our agreement, only security guard services is being secured and paid by the Office since 2011. Further, based on our records no endorsement for said assumption of payment for electrical consumption was made by both parties,” sagot ni Castillo sa kay Cada.

Nauna rito, noong Disyembre 7, 2021, sinulatan na ni Cada ang manager ng FFH at naka-addressed din kay Suarez na ipaalala sa gobernador ang mga unpaid electrical bills.

Kalakip sa liham ang mga listahan ng unpaid power bills mula Marso 2020 hanggang Nob. 2021.

Pinatunayan din ng isang Salome Sosuria mula sa Business Permit and Licencing Office sa Unisan na walang nakarehistrong business name na Fin Fish Hatchery sa munisipalidad ng Unisan. RNT