Suarez, TYR ambassadors sa TOPS Usapang Sports

Suarez, TYR ambassadors sa TOPS Usapang Sports

October 5, 2022 @ 3:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tampok na panauhin si World Boxing Association (WBA) Asia Super Featherweight Champion Charly Suarez kasama ang anim na promising swimmers mula sa Swimming League Philippines (SLP) sa masinsinang talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Oct. 6) sa Behrouz Persian Cuisine sa 50 Sct. Tobias-Sct. Fernandez, Timog, Quezon City.

Inaasahang magbibigay ng pinakabagong detalye ang 33-anyos na dating top amateur boxer, Olympian at two-time Southeast Asian games sa lingguhang sports forum ganap na 10:30 ng umaga.

Makakasama niya sa talakayan sina Evenezir Polancos, Albert Sermonia II, Seb Rafael Santos, Jenn Albreicht  Sermonia,  Saira Janelle Pabellon, at Shinloah Yve San Diego na pinagalananang pinakabagong brand ambassador ng swimming apparel TYR.

Mula sa iba’t ibang swimming club na nasa pangangasiwa ng SLP sa pamumuno ni Joan Mojdeh,  malaking karangalan at dagdag na kasiglahan sa pag-angat ng kani-kanilang career ang pagkakapili para mag-endorso ng TYR brand.

Inaaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ang mga opisyal, miyembro ng organisasyon gayundin ang mga sports enthusiast na makiisa sa programa na mapapanood via livestreaming sa TOPS Usapang Sports Facebook page at sa Channel 45 ng bagong ilulunsad na PIKO (Pinoy Ako) mobile app channel at sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Persian Cuisine.RICO NAVARRO