Subject na Mother Tongue aalisin ng DepEd

Subject na Mother Tongue aalisin ng DepEd

October 17, 2022 @ 4:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Aalisin na ng Department of Education (DepEd) ang Mother Tongue bilang subject sa mga estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 3 ayon kay Education Undersecretary Epimaco Densing III nitong Lunes, Oktubre 17.

Ayon kay Densing, ito ay upang mabawasan ang siksik nang curriculum sa kasalukuyan.

“Meron po tayong subject from Grade 1 to 3 na Mother Tongue even though we already have English and Filipino subjects. We all agreed in the Curriculum and Instruction strand to do away with the 50 minutes of Mother Tongue as a subject,” pahayag ni Densing sa basic education panel ng Senado.

“We will decongest the 50 minutes of learning Mother Tongue as a subject. There is no need to put Mother Tongue as a subject for children because this is already their everyday language in school, in the community and within the family. This will be reallocated to our national reading program and national math program,” dagdag niya.

Ang desisyon na ito ay matapos ang ilang buwan ng konsultasyon ng DepEd sa iba’t ibang sektor at stakeholders.

“Ipapasok itong [pagtanggal sa mother tongue as subject] sa revised K to 10 curriculum. Nasa gitna kami ng pagfa-finalize ng K to 10 curriculum, and we are informing you,” aniya.

Ang mga subject na English, Filipino, Math, Araling Panlipunan, Good Manners and Right Conduct, Physical Education, Music, at Arts ang magiging pundasyon ng curriculum.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Densing na gagamitin pa rin sa pagtuturo ang mother tongue ng mga mag-aaral kabilang ang iba’t ibang diyalekto dahil nasa mandato ito ng K to 12 law.

“Based on what is mandated under K to 12 law, we will continue to use mother tongue as medium of instruction. Puwedeng ang pagtuturo ng Math ay sa Hiligaynon o sa Tagalog para mas maintindihan. Hindi lang siya isasabay as a subject,” paliwanag ni Densing.

Maaalalang kamakailan ay sinabi ng DepEd na hindi naabot ng ahensya ang target nilang makakuha agad ng trabaho ang maraming mga nagsipagtapos sa K to 12. RNT/JGC