Subpoena ikinasa vs Bantag, iba pa sa murder charges

Subpoena ikinasa vs Bantag, iba pa sa murder charges

November 15, 2022 @ 9:10 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inisyuhan ng subpoenas nitong Lunes sina suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Q. Bantag at kanyang co-respondents na sumagot sa dalawang murder complaints na inihain laban sa kanila sa pagpatay sa broadcaster na si Percival “Percy Lapid” C. Mabasa at presong si Cristito Villamor Palana, itinuturong “middleman” sa pagpaslang sa radio commentator noong Oktubre 3.

Ipinalabas ang subpoenas o summons ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) na itinakda ang hearings simula alas-9 ng umaga sa Nobyembre 23 at mula ala-1 ng hapon sa Disyembre 5.

Kinumpirma ni Prosecutor General Benedicto A. Malcontento ang pag-isyu ng subpoenas na hudyat ng opisyal na pagsisimula ng preliminary investigation sa tatlong murder complaints.

Ang murder complaint ay ikinasa ng Philippine National Police (PNP) noong Oct. 18 laban sa self-confessed gunman na si Joel S. Escorial, umano’y “middleman” na si Christopher Bacoto, magkapatid na sina Israel at Edmon Adao Dimaculangan, at isang alyas “Orly” o “Orlando.”

Inihayag ng DOJ na Escorial “acknowledged that on 03 October 2022, at around 8:30 The shot Percy Lapid three (3) times using a caliber .45 pistol, and that he was accompanied by Israel Adao Dimaculangan, Edmon Adao Dimaculangan and a certain alias Orly/Orlando.

“Moreover, alias Orly/Orlando and Dimaculangan brothers joined Escorial because a certain Christopher Bacoto (Yoyoy), also known as ‘Jerry Sandoval’, talked to his companions to help him in killing Percy Lapid,” base sa affidavit ni Escorial.

Ikinasa naman ang dalawa pang murder complaints noong Nov. 7 ng PNP at ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Bantag at BuCor’s Deputy Security Officer Ricardo S. Zulueta bilang “principals by inducement” sa pagpatay kina Mabasa at Palana, na naunang kinilala bilang si Jun Globa Villamor.

Ang mga pinangalanang co-respondents sa Mabasa case ay “principals by indispensable cooperation” na sina BuCor inmates Denver Batungbakal Mayores, Alvin Cornista Labra, Aldrin Micosa Galicia, at Alfie Penaredonda.

Sa pagpatay kay Palana, tinukoy namang “principals by direct participation” ang PDLs na sina Christian Dizon Ramac, Ricky Lamigo Salgado, Ronnie Pabustan Dela Cruz, at Joel Alog Reyes.

Kabilang sa panel of prosecutors na magsasagawa ng preliminary investigation sina Deputy State Prosecutor Olivia I. Laroza-Torrevillas bilang chairperson, at Senior Assistant State Prosecutors Charlie L. Guhit at Josie Christina T. Dugay bilang mga miyembro. RNT/SA