Subscribers ng Youtube channel ni Moira, 1M na

Subscribers ng Youtube channel ni Moira, 1M na

October 28, 2020 @ 3:02 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pumalo na sa isang milyon ang subscriber ni Moira dela Torre sa kanyang Youtube channel.

Ibinalita ito ng management ni Moira sa isang Instagram post.

Trending pa rin hanggang ngayon ang pinakabagong single nito na “Paubaya” matapos ang isang linggo.

Ang kantang ito ay kasama sa kanyang album na “Patawad” na isinulat niya kasama ang kanyang asawang si Jason Marvin.

Nitong Linggo lamang ay nakatanggap ng award si Moira para sa album nitong “Malaya” at “Patawad” sa programa nitong ASAP Natin ‘To.

Samantala, nakatakdang kantahin ni Moira kasama ang bandang Agsunta ang kantang “Kahit Kunwari Lamang” na isinulat ni David Mercado na isa sa mga entry sa Himig Handog 2020. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...