Subsidiya para sa modern jeepneys, dadagdagan ng DOTr

Subsidiya para sa modern jeepneys, dadagdagan ng DOTr

March 7, 2023 @ 2:06 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes na dadagdagan nito ang subsidiya para sa mga driver ng public utility vehicles (PUV) sa P260,000 para makabili sila ng e-jeepneys para sa PUV modernization program.

Kasalukuyang nagbibigay sa ilalim ng programa ng P160,000 equity subsidy kadadriver who na nais lumipat sa modern PUV unit.

“Dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, ang pagtaas ng presyo ng mga gastusin, itataas din ng Kagawaran ang equity subsidy na tinatawag to a maximum amount of P260,000,” ani DOTr Undersecretary Mark Steven Pastor.

Target ng DOTr na ilunsad ang dagdag-subsidiya sa ikalawang quarter ng 2023, dagdag niya.

Base kay Pastor, nagkakahalaga ang class 1 modern jeepney mula P1.4 milyon hanggang P1.8 milyon; class 2 (P2 milyon hanggang P2.6 milyon; habang ang class 3 (P2.5 milyon hanggang P3 milyon.)

Ilang transport groups ang kasalukuyang nagsasagawa ng kilos-protesta kontra PUV Modernization Program, na naglalayon na palitan ang traditional jeepneys ng mga sasakyan na pinatatakbo ng mas environment-friendly fuels. RNT/SA