Subsidiya sa gas ilalabas bukas; dinoble, tsuper may tig-P13K

Subsidiya sa gas ilalabas bukas; dinoble, tsuper may tig-P13K

March 10, 2022 @ 1:03 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Ilalabas na bukas, araw ng Biyernes, Marso 11 ang P2.5 bilyong subsidiya sa gasolina bilang first tranche ng fuel subsidy para sa mga tsuper ng public utility vehicle (PUV).

Tinatayang 377,000 driver o tsuper ang makikinabang sa subsidiya.

“The receipt of the amount by the driver will depend on the speed by which the DOTr (Department of Transportation) can download the funds,” DBM OIC Usec. Tina Canda.

Kinumpirma rin Canda na ang kabuuang halaga ay dinoble kung saan umabot na ito P5 billion.

“The EDC (Economic Development Cluster) agreed to double the amount for fuel subsidy so ₱2.5B will be given this March and another ₱2.5B in April,” dagdag na pahayag nito.

Dahil dito, sinabi ni Canda na ang subsidy na makukuha ng kada driver ay dinoble na rin dahil mula sa P6,500 ay P13,000 na ang makukuhang subsidiya ng mga driver. Kris Jose