Subsidy sa 13th month pay ng small business workers ikinokonsidera

Subsidy sa 13th month pay ng small business workers ikinokonsidera

October 18, 2020 @ 12:45 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ikinokonsidera ng Department of Labor and Employment ang pagbibigay ng subsidiya sa micro at small enterprises para makapagbigay ang mga ito ng 13th month pay ng kanilang mga manggagawa.

Sinabi ngayong Linggo ni Labor Secretary Silvestre Bello III ipanukala niya ang pagbibigay ng subsidy para sa micro and small businesses na posibleng ‘di makayanan ang pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga manggagawa.

Subalit nilinaw ni Bello na depende pa rin ito kung saan ang fund source at kung meron talagang source para rito.

Sakali umanong walang makitang pondo, maaaring mag-refer ang gobyerno ng lending facilities, at least sa government banking institution, sa mga apektadong micro and small business.

Nauna rito, inatasan ng DOLE ang lahat ng kompanya na ibigay ang 13th month pay ng mga manggagawa bago o sa mismong Disyembre 24, 2020, batay sa isinasaad ng batas. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...