Substitute bill na nagbabawal sa lahat ng uri ng exploitation vs. bata oks na sa House panel

Substitute bill na nagbabawal sa lahat ng uri ng exploitation vs. bata oks na sa House panel

January 24, 2022 @ 4:40 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Aprubado na ng pandel ng Kamara ang substitute bill na nagbabawal sa lahat ng klase ng sexual abuse at exploitation laban sa mga bata.

Sa virtual meeting, sinang-ayunan na ng panels ang House Bills 6923, 7465, 7633, 7718, 7825, 7947 at 8760.

“It aims to deter the commission of online sexual abuse or exploitation of Filipino children which has now become rampant. Amid the COVID-19 pandemic that we are now experiencing is another silent pandemic, online sexual abuse or exploitation of children or OSAEC,” ani Representative Cheryl Deloso-Montalla, isa sa awtor ng panukala.

Paliwanag nito, ang restriksyon sa physical mobility ngayong health crisis ay nagbukas ng ‘floodgates’ sa paggamit ng publiko ng internet.

Paliwanag pa ni Montalla, oras na maisabatas ito ay magkakaroon ang panukala ng ‘minimal’ o ‘no additional cost’ sa gobyerno dahil sa maililipat lamang nito ang kapangyarihan at trabaho sa Inter-Agency Council on Anti-Child Pornography (IACACP) sa ilalim ng Republic Act 9775 o ang bagong tatag na Inter-Agency Council on Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation (IACACSAE).

“Considering the relevance and prevalence of the crime committed under this bill, we propose to create a permanent position of executive director who will manage the day-to-day affairs of the Inter-Agency Council. As there is a budget allotted under R.A. No. 9775 for the IACACP, we propose to transfer it to the newly-created Inter-Agency Council.” RNT/FGDC