Subvariant mas nakahahawa kaysa Omicron, pero ‘di mas mabagsik – Africa CDC

Subvariant mas nakahahawa kaysa Omicron, pero ‘di mas mabagsik – Africa CDC

February 25, 2022 @ 10:06 AM 4 months ago


AFRICA – Natuklasan sa pag-aaral na mas nakahahawa ang Omicron BA.2 sub-variant ng COVID-19 kaysa sa orihinal na BA.1 sub-variant, ngunit hindi ito nagdudulot ng mas matinding sintomas, sinabi ng top public health body chief ng Africa.

“South Africa is reporting that it is more transmissible than the BA.1 variant, but interestingly and very encouragingly the severity seems to be the same,” ani Dr. John Nkengasong, head ng Africa Center for Disease Control and Prevention.

Ang South Africa ay isa sa mga unang bansa na naka-detect ng Omicron variant ng COVID-19, matapos ay kumalat na ito sa buong mundo at naging dominant na variant sa ibang mga bansa.

Bagama’t nakalampas na ang South Africa sa peak ng Omicron wave. Nakapagtatala pa rin ang doon ng 3,000 na kaso ng COVID bawat araw.

Sinabi ni Nkengasong na ang trend ay maaaring maiugnay sa sub-variant ng BA.2, ngunit hindi na ito pinalawig pa. RNT