Sudanese na organ trafficker timbog!

Sudanese na organ trafficker timbog!

February 22, 2023 @ 8:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang Sudanese na lalaki na umano’y sangkot sa human organ trafficking nitong Martes ng umaga ng mga miyembro ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division sa Makati City.

Sa isang pahayag, kinilala ng BI ang suspek na si Badreldin Elzaki Ibrahim El Habbib, 44-anyos na subject ng warrant of deportation na inisyu ni Commissioner Norman Tansingco.

Ang warrant ay inilabas kasunod ng summary deportation order na inisyu noong 2013 laban sa dayuhan dahil sa hindi kanais-nais.

Sinabi ng BI na nakatanggap ito ng kahilingan mula sa gobyerno ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA) noong 2009, na nagpapaalam sa ahensya tungkol sa pagkakasangkot ni El Habbib sa organ trafficking na naging biktima ng mga pasyente sa bansa sa Middle East.

Siya umano ang nang-engganyo at nag-recruit ng mga Saudi national na nangangailangan ng kidney transplant para magkaroon nito sa Pilipinas ngunit nauwi sa panloloko sa kanyang mga biktima.

Noong Setyembre 2009, nauna nang inaresto si El Habbib ngunit pinalaya dahil sa pagpiyansa at mula noon ay nanatiling nakalaya.

“His presence in the country poses a threat to Filipinos. Hence he has been arrested, and will be deported for violating immigration laws,” dagdag pa niya. RNT