Sue Ramirez, pinapantasya ng kababaihan at kalalakihan!

Sue Ramirez, pinapantasya ng kababaihan at kalalakihan!

August 9, 2018 @ 2:04 PM 5 years ago


 

Dinagsa ng sangkatutak na likes ang sexy photo ni Sue Ramirez, ang babaeng inaakusahan na isang tomboy dahil sa maikling buhok at madalas nakikipagharutan sa kapwa babae.

Sa latest photo nga na pinost ni Sue sa kanyang Instagram ay malabong pag-isipan na isa siyang tomboy dahil sa kaseksihan na siguradong pagnanasaan at pagpapantasyahan ng mga kalalakihan at kapwa babae na siguradong kaiinggitan ang kanyang alindog.

Sa rami ng mga nag-comment na mga fans ay halos lahat ay nagsasabing sobrang ganda at katakam-takam ang kaseksihan ni Sue. Kahit maiksi ang buhok na tulad ng gupit ng mga kalalakihan ay hindi maiiwasang paglawayan ng mga kalalakihan ang kanyang alindog.

Maging ang comment ng mga babae ay parang takam na takam rin sila sa kaseksihan ni Sue at mistulang kapwa babae ang nato-tomboy sa young actress.

Sa totoo lang, ang mga tomboy ay hindi mo talagang pag-iisipan na pusong lalaking dahil karamihan sa kanila ay talagang maganda at pamatay ang mga katawan.

Kung totoong tomboy si Sue ay siguradong maraming kapwa niya kababaihan ang maiinggit at pagnanasaan ng mga kalalakihan.

Pero mismong si Inigo Pascual na ang nagsabi na walang katotohanan na may pusong lalaki si Sue Ramirez.

****

Tila hindi nakarating ang mommy ni Kylie Padilla na si Liezl Sycangco sa first birthday ng anak ni Kylie kay Aljur Abrenica na si Alas Joaquin last August 4. Wala kasing nakitang larawan si Liezl sa mga lumabas na larawan nang kuha sa birthday party ni Baby Alas.

Nabanggit kasi ni Kylie nang ma-interview ito na darating ang kanyang mommy from Australia para sa birthday ng apo. Super excited nga si Kylie dahil first time na masisilayan ng mommy niya si Baby Alas pero hindi nga ito nakarating.

Pero may big event pa namang mangyayari kina Aljur at Kylie, ang pagpapakasal nila bago matapos ang year 2018. Baka doon dumating ang mommy nito para saksihan ang pag-iisang dibdib nila ni Aljur.

Nag-viral na larawan sa birthday party ni Baby Alas ay ang muling pagkikita nina Aljur at ama ni Kylie na si Robin Padilla na nagmamano si Aljur na kinunan ni Nelson Canlas. Maraming netizens ang natuwa sa pagpapakita ng respeto ni Aljur kay Robin.

****

Alam kaya ng production at mga lead star ng Kusina King na na-pirate na ang kanilang movie. Napanonood na ito ngayon sa Facebook at sa rami ng mga nakapanood ay iisa lang ang naririnig naming comment.

“Grabe! Bakit gumagawa sila ng ganoon pelikula (Kusina King), walang kakuwenta-kuwenta. Sayang lang puhunan itinapon nila sa movie,” say ng mga nakausap namin nakapanood sa Facebook ng nasabing movie.

Ang inaabangan naman ngayon sa Facebook ay iba pang mga Pinoy film at yung foreign films.

Na-pirate na ang Mission Impossible, Sky Scraper at inaantabayanan ngayon at talagang inaabangan na masilayan at mapanood sa Facebook ay ang Buy Bust ni Anne Curtis.

Sigurado raw ang mga madalas mag-abang sa Facebook ng mga pelikulang mapa-pirate na hindi sila madidismaya kapag napanood na nila ang movie ni Anne Curtis.

Usap-usapan kasi sa mga nakapanood ng movie ni Anne sa mga sinehan na maganda raw talaga ang pagkakagawa ng Buy Bust na idinirek ni Erik Matti.     – Teka Muna! Ni Gerry Ocampo