Sugar importation order iligal; imbestigasyon kasado na

Sugar importation order iligal; imbestigasyon kasado na

August 12, 2022 @ 7:38 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tatalupan ng Malakanyang at aalamin kung sinong opisyal ng Sugar Regulatory Board ang lumagda sa isang kautusan na nagpapahintulot sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.

Ito ay sa kabila ng hindi umano awtorisado ang SRB officials na pumirma sa ngalan ng Pangulo para sa nasabing kautusan.

Sa isang briefing  sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na mayroong patuloy na pagsisiyasat sa lahat ng pumirma sa Sugar Regulatory Board Resolution No. 4.

Inihayag ng Malacañang na tinanggihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang resolusyon na pumapayag sa pag-angkat ng Pilipinas ng 300,000 metrikong toneladang asukal.

“It appears that the resolution was signed for and on behalf of the President by Undersecretary Leocadio Sebastian. He was not authorized to sign such a resolution because the President did not authorize the importation,” giit ni Angeles.

Idinagdag niya na ang Board ay maaari lamang magpulong sa “explicit assent” ni Marcos. Binigyang-diin din niya na ang tungkulin ni Sebastian bilang kahalili ng Pangulo ay ang pagdalo sa mga pagpupulong kung saan hindi makakadalo si Marcos.

“It is not a delegation of authority to call any meetings or to sign any resolutions in the absence of the President’s awareness that such a resolution is to be issued,” paglilinaw pa ni Angeles.

Sinabi niya na ang mga importasyon ay isang “sensitibong bagay” at dapat maingat na hawakan

“It is a balancing act. We just imported in May. Now we have to determine if another importation supposedly to address the critical levels approaching at the end of the month will affect the harvest season which opens in September,” dagdag pa ng OPS secretary.

Sa kabila ng imbestigasyon, sinabi ni Angeles na wala pang inilabas na preventive suspension order sa ngayon.

“An investigation is ongoing to determine whether any acts that would cause the President to lose trust and confidence in his officials can be found, if there is malice or negligence involved. In such a case, if such findings are made, then the only determination left will be how many heads are going to roll,” aniya pa.

Wala pang pahayag si Sebastian sa isyu. RNT