Sugar mess probe sa Kamara umarangkada

Sugar mess probe sa Kamara umarangkada

August 15, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinimulan na ng House of Representatives ang imbestigasyon nito ukol sa ginawang pag-apruba ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal na walang go signal ni Pangulong Bongbong Marcos sa kapasidad nya bilang kalihim ng Department of Agriculture.

Ang House Committee on Good Governance and Public Accountability at House Committee on Agriculture ang syang mangangasiwa sa imbestigasyon.

Sa gitna ng pagdinig ay hindi napigilan ni Cavite Rep Elpidio Barzaga na sitahin kung bakit pinayagan na hindi pisikal na dumalo sa pagdinig ang mga SRA resource persons at tanging sa videoconference lamang habang ang ilang mambabatas gaya nya na may edad na gaya nya ay kayang magtungo sa Batasan para dumalo sa hearing.

“Madam Chair, I would like to make this comment. Well, actually, insofar as members of Congress are concerned, we have the rules that we can attend the Congressional briefing personally or even by Zoom. However, I noticed that our resource persons like Engineer Hermenegildo Serafica is actually reporting for office,” pahayag ni Barzaga kay accountability chair Rep. Florida Robes.

Ani Barzaga maliban na lamang sa medical reasons ay dapat pisikal na dumalo sa hearing ang mga resource persons.

Bilang tugon ay inatasan ni Robes ang mga resource person ng SRA na magtungos sa Batasan sa susunud na pagdinig sa Huwebes.

“We ask everybody to come here personally with an RT-PCR test, all our resource speakers, especially on Thursday, please abide by the rules and, of course, with the request of this body, otherwise, everybody will be held in contempt,”ani Robes.

Pinadadala din ng Kamara sa mga resource persons ang mga dokumento kaugnay sa importasyon ng asukal.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na kung mag-aangkat ng asukal ay maaari itong gawin sa Oktubre pa at hindi aabutin ng masyadong malaki na 300,000 metric tons.

Giniit ni Marcos na ang Sugar Order No 4 para sa naging importasyon ng asukal ay napirmahan nang hindi nya alam, bunga nito ay nalalagay sa hot water sina Agriculture Undersecretary for Operations Leocadio Sebastian , ilang DA at SRA officials na syang nagbigay ng pahintulot para sa sugar importation.

Inaangal ng mga sugar milling organizations ang ginawang imporaston dahil malulugi sila ng malaki dahil bababa ang presyo ng asukal dala ng mataas na supply habang ang mga sugar farmers ay mapipilitang ibenta ang kanilanng produkto sa mababang halaga.

Hindi rin umano kailangan na mag-import dahil may sapat na supply ang bansa. Gail Mendoza