Sugar Order No. 6, kinuwestiyon ni Hontiveros

Sugar Order No. 6, kinuwestiyon ni Hontiveros

February 16, 2023 @ 3:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kinuwestiyon ni Senador Risa Hontiveros ang pagpapalabas ng Sugar Order No. 6 na pinapayagaan ang pag-aangkat ng mahigit 440,000 metriko toneladang asukal sa kabila ng nagsisimula ang milling season.

Sinabi ni Hontiveros na kailangan pangatuwiranan ng admnistrasyon ang inaprubahang pag-aangkat ng asukal kahit wala ang lagda ng chief executive alinsunod sa itinakda ng batas.

“The absence of the signature of the President on Sugar Order No. 6 is probably the least of my questions. Andami kong katanungan. Una, where did they get the volume of 440,000MT when three major federations of sugar producers pushed for only 330,000MT?” aniya.

Bukod dito, itinanong din ni Hontiveros sa Department of Agriculture (DA) kung bakit nabigyan itong discretion na magsagawa ng final approval sa vllumen na inilalaan sa importer taliwas sa dating sugar order na pro-rated base sa mechanical computation.

“Puwede bang sabihin ng DA na sa tatlong trader lang, at etsapwera na ang iba kahit sila ay nag-apply at eligible importers naman? Hindi ba ito favoritism at virtual monopoly?” tanong niya.

Aniya, maaaaring nagkaroon ng technical smuggling dahil maraming nakaimbak na asukal na inangkat bago ipalabas ang naturang sugar order.

“Lastly, matanong ko lang, can a Sugar Order be retroactive and legitimize the entry of imported sugar that arrived before the SO’s issuance? Because if we follow the law, imported sugar not covered by a sugar order is technically smuggled. Sino ang nag smuggle? Sino ang nagbasbas?” aniya.

Nitong Miyerkules, ipinalabas ng Sugar Regulatory Administration ang kautusan na nagbibigay awtorisasyon sa pag-aangkat ng 440,000 metriko toneladang asukal kahit walang lagda ang Pangulo.

Makikita ang Sugar Order No. 6 sa website ng SRA na naipadala na umano sa Office of the President nitong Pebrero 9, 2023. Ernie Reyes