Sugar producers: Bagsak-presyo sa asukal, asahan sa Nobyembre

Sugar producers: Bagsak-presyo sa asukal, asahan sa Nobyembre

September 24, 2022 @ 10:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Siniguro ng sugar producers group pna bababa ang presyo ng asukal kasabay ng Kapaskuhan sa inaasahang pagdami ng suplay nito sa Nobyembre.

Sa ulat nitong Biyernes, sinabi ng United Sugar Producers Federation of the Philippines (USPFP) na asahan na ng mga Pilipino ang “White Christmas”.

“Umiipon pa ‘yung sugar mills, iniipon pa ‘yung mga raw para sa pag-fire up ng refinery, tuloy-tuloy. So that’s scheduled for I think middle of November,” sabi ni USPFP President Manuel Lamata.

“I can guarantee you, I give you my word. Babagsak ‘yung presyo at saka dami-daming sugar for December… White Christmas,” dagdag niya.

Inaasahang bababa sa halos P70 hanggang P80 kada kilo ang asukal pagdating ng 150,000 metric tons ng imported supplies sa ilalim ng Sugar Order No. 2 ng  Sugar Regulatory Administration (SRA).

Samantala, umaasa naman ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na babaa ito sa P65 hanggsng P70 per kilo.

Umapela naman ang Department of Trade and Industry sa ilang supermarkets na panatilhin ang P70 per kilo price ceiling hanggang pasko. RNT/SA