Sugatan sa paputok, 85 na – DOH

Sugatan sa paputok, 85 na – DOH

January 1, 2022 @ 1:00 PM 8 months ago


Manila, Philippines — Naitala na ng Department of Health (DOH) ang 85 fireworks at firecrackers-related injuries hanggang nitong 6 a.m. sa pagsalubong ng bansa sa 2022.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mas mababa ito ng 11% kumpara sa 96 kaso na naitala noong 2020.

 “That is a bit of improvement with less firework related injuries. Ngunit ang mga bilang ng kaso ay maaaring tumaas sa mga susunod na araw dahil sa mga huling reports at consultations.”

“Karamihan ng mga nasugatan ay mga passing or bystanders lamang sa 58 percent. Nasa 38 percent ng mga kaso ay mula sa mga ipinagbabawal na paputok at nangunguna dito ang boga, kasunod ang five star at piccolo,” dagdag pa ni Duque.

Wala namang naitalang fireworks ingestion, stray bullet injury, o nasawi. RNT/FGDC