Sugatang Pinoy sa Beirut blast, umakyat na sa 47

Sugatang Pinoy sa Beirut blast, umakyat na sa 47

August 10, 2020 @ 1:46 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umakyat pa sa 47 ang bilang ng mga Filipino na sugatan sa Beirut Blast, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Foreign Affairs ngayong Lunes.

Ayon sa ulat ng embahada na lima pang Pinoy ang nasabing sugatan sa napakalakas na pagsabog dahil sa tambak na ammonium nitrate sa pier ng Beirut ng kumitil sa 154 indibiduwal kabilang dito ang 4 na Pinoy, na ikinasugat naman ng 5,000 iba pa.

“We are still thankful that the injuries sustained by our kababayans are not life-threatening. We also thank our embassy personnel for taking prompt action,” ani DFA Undersecretary Sarah Arriola.

Nakatakda namang iuwi ng isang chartered plane sa Agosto 16 ang nasa 400 Pinoy na gusto na nagpatulong sa embahada sa Beirut para makauwi. Isasabay na rin ang pag-uwi sa mga labi ng nasawing Pinoy, dagdag pa ng DFA.

“The repatriation of our kababayans from Lebanon is free,” dagdag pa ni Arriola.

Tinatayang nasa 33,000 mga Pinoy ang naninirahan sa Lebanon, 75% nito ay nakatira sa greater Beirut Area.

Inaasahan naman ang bugso ng iba pang mga Pinoy na nais umuwi sa Pilipinas. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...