Suicide rate sa Pinas, sumirit sa 57% sa pandemya

Suicide rate sa Pinas, sumirit sa 57% sa pandemya

July 7, 2021 @ 6:10 PM 1 year ago


MANILA, Philippines — Sumirit ng hanggang 57% ang itinaas ng suicide rate sa Pilipinas simula nang manalasa ang pandemya, ayon sa Philippine Statistics Authority reporting kumpara noong 2019.

Ayon sa PSA, ang pagpapakamatay ang ika-25 na nangungunang sanhi ng pagkasawi noong 2020, dati itong ika-31 pwesto noong 2019.

Base sa PSA na kumitil ito ng 4,420 buhay noong 2020, kumpara sa 2,810 na nasawi noong 2019.

Noong nakaraang taon, nakitaan na ng National Center for Mental Health ang mataas na bilang ng pagtanggap nila ng tawag sa kanilang mental health hotlines simula nang magpatupad ng lockdown sa Pilipinas noong Marso.

Pumatak ito sa 700 tawag kada buwan, mula sa dating 400 lang bago ang pandemya. Pinakakaraniwang dahilan ng pagtawag ay ang anxiety-related concerns.

Hinikayat naman ng Department of Health ang publiko na makipag-usap sa National Center for Mental Health hotlines sa 0917-899-USAP (8727) o 899-USAP (8727); o sa Mind Matters hotline nito sa 09189424864. RNT