Sukat ng katawan ng tao, binago ng climate change

Sukat ng katawan ng tao, binago ng climate change

July 9, 2021 @ 3:50 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nakitaan ng mga mananaliksik ng malaking pagbabago ang average na sukat ng katawan ng isang tao sa nakalipas na milyun-milyong taon na inuugnay sa pabago-bagong klima.

Isang grupo ng mga researcher na pinangunahan ng University of Cambridge sa United Kingdom at ng University of Tübingen sa Germany ang nakakalap ng mga sukat ng utak at katawan ng mahigit 300 fossils mula sa Homo genus o Homo Sapiens kung saan nabibilang ang mga modernong tao.

Ginamit nila ang datos na ito, na sinamahan ng pagbabago sa mga regional climate sa Earth mula sa huling milyong taon at kinalkula ang klima na posibleng naranasan ng bawat fossil noong sila ay nabubuhay pa.

Dito ay nadiskubre ng mga researcher na ang klima, partikular ang temperatura, ang siyang pangunahing dahilan ng mga pagbabago sa sukat ng katawan ng tao sa nakalipas na milyong mga taon.

Mas malaki ang katawan ng mga taong na nabuhay sa mas malamig na klima ha bang mas maliit ang katawan ng mga taong nabuhay sa mas mainit na klima.

“Larger bodies can buffer individuals from cold temperatures — the larger you are, the smaller your surface compared to your volume, so you conserve heat more efficiently,” paliwanag ni Andrea Manica, propesor ng evolutionary ecology sa University of Cambridge.

“This is a relationship that is found in many animals, and even among contemporary humans, but we now know that it was a major driver behind the changes in body size over the last million years.”

Samantala, nadiskubre din nila na may papel ang klima sa sukat ng utak ng tao.

Lumabas din kasi sa pananaliksik na 50% na mas mabigat at tatlong beses na mas malaki ang utak ng mga Homo sapiens kumpara sa mga naunang human species gaya ng Homo habilis.

“Interestingly, brain size changes were completely unrelated to temperature, so body and brain size evolved under distinct pressures,” paliwanag ni Manica.

“For brain size, we found that larger brains were found in stable environments — brains are expensive, so you can’t sustain them if you lack resources.”

Nailathala ang pagnanaliksik na ito sa journal na Nature Communications. RNT